First Day in College... Maraming salitang papasok sa utak mo...
"UNPREDICTABLE". Yan ang unang maiisip ng utak mo. Dahil lamang ito sa mga taong
minsan hindi mo pa nakakasalamuha. Mahirap manahimik, lalo na kung ikaw yung tipo ng taong
hinsi makakatulog pag hindi dumaldal. parang hindi ka mapakali kung hindi mo sila kakausapin
o papansinin man lang. Kailangang makisama. NO MAN IS AN ISLAND.
"MAHIRAP". Ito ang madalas sabihin ng mga taong hindi marunong magpursigi sa buhay.
Dapat nating iwasan ang pagsasabi o pag-iisip man lang na mahirap ang isang bagay na iyong
gagawin pa lamang. Maaari mo naman itong subukan. Syempre kailangan ng tiyaga.
"AYOKO NA". Yang salitang yan, minsan ko naring nabanggit yan ngunit hindi maganda ang
kinahinatnan ng aking pakikipagsapalaran sa Kolehiyo. Alam kong mali iyon ngunit nangyari na.
Nahinto ako ng anim na buwan sa pag-aaral. Ngunit heto ako ngayon, buong pagmamalaking
bumabangon sa pagkadismaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento